LPA at Habagat Magdadala ng Pag-ulan
Ayon sa PAGASA, ang LPA at Habagat ay magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa kasama ang La Union.
Screenshot of Himawari-9 viewer, credit Meteorological Satellite Center / Japan Meteorological Agency (JMA)
Ayon sa PAGASA, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang 495 km Silangan ng Surigao City kaninang 3:00 AM ng madaling araw, habang ang Habagat ay gumagalaw at nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon. Dahil dito, pinaghahandaan ang mga pag-ulan at posibleng epekto ng weather system sa bansa.
LPA at Habagat ang nagdudulot ng pag-uulap na may kalat-kalat na pag-ulan at mga thunderstorms sa mga lugar na binanggit ng ahensya: Visayas, Bicol Region, Caraga, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon. Ang LPA ay maaaring magdulot ng flash floods o landslides sa katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan. Samantala, ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay inaasahang magiging maulap na may pagkulog at pagkidlat. May posibilidad din ang localized heavy thunderstorms at baha sa ilang lugar.
Ang hangin at alon ay nagpapakita ng iba’t ibang kondisyon: ang mga nakatalagang bahagi ng Visayas at silangan ng Mindanao ay inaasahang may banayad hanggang katamtamang lakas ng hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilaga, habang ang kanlurang Luzon ay inaasahang bahagyang malakas mula sa timog-kanluran hanggang sa hilaga. Ang mga baybayin ay tinatayang banayad hanggang katamtaman na alon, na may lokal na pagkakaiba depende sa lugar.
Sa temperatura, ang naitala sa nakaraang 24 oras hanggang 8:00 PM kahapon ay nagpakita ng pinakmataas na 33.6°C (3:00 PM) at pinakamababang 25.5°C (6:00 AM). Ang relative humidity ay naitalang 91% bilang kataasan, at 54% naman sa mababang punto. Patuloy na magbibigay ng mga update ang PAGASA habang binabantayan ang sitwasyon at mga posibleng karagdagang pagbabago sa panahon.
SOURCE: PAGASA